Nakikiisa ang Philippine Science High School (PSHS) System sa sambayanang Pilipino sa ika-123 taon ng pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan. Naniniwala ang PSHS System na sa pamamagitan ng dekalidad na edukasyon na binibigyang diin ang agham, matematika, teknolohiya at inobasyon para sa kabataang Pilipino ay makakamit natin ang kaunlaran at mapananatili ito para sa susunod na henerasyon. Patuloy na maninindigan and PSHS System sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon upang isulong ang adhikain ng Agham para sa Bayan.